[2024 Bauko Stay] Travel Guide for Sagada Blue Mountain Cabins (Updated Oct)
Sagad sa Sagada!
#CelebrateWithTrip
Hello, late na siguro pero gusto ko lang i-share yung 3D2N Solo Trip ko sa Sagada last March.
Sagada is known to be a small town with rich culture and tradition. Pag sinabing small town, best in lakaran however di mo ramdam yung pagod kasi malamig at maraming puno. 🌿🌴
Pagkarating mo roon ma-amaze kana sa kakaibang ambiance, hilera ng Pine trees🌲, group of foreign tourist, at fresh air. Also, you are required to pay for a tourism fee at their office na malapit na mismo sa baban ng bus. May mga naka abang narin na tourguides na pwedeng mang arrange ng tours mo. Ako dahil solo, wala akong kahati (disadvantage) pero pwede may mga tourist din na pwede kang makisabay or maki-share.
🛖🏕Where to stay? Nag book ako ng homestay-inn sa Mysty Lodge (500 per night) which is not advisable kung mag-isa ka kasi malayo sa centro. Marami ring pwedeng pag stay'n around sa Tourism Office at nag re-range ito from 300 above per night.
🍽🥤Foods are quite expensive (above 100 pesos) but worth-it! The fact na nasa malayong lugar at sariling product, di ka na lugi at instagram perfect pa. Try the Sagada Lemon Pie na twice kong pinuntahan, Strawberry Cafe, Salt and Pepper, Sagada Brew, Mysty Lodge, Yugurt House and Bana Cafe. Yan lang ang napuntaha ko at marami pang iba.
🏞⛰🌄At last, the view and nature. Di ko sinama sa itenerary ko ang spelunking/caving. Kung adventurous ka, try mo yung Echo valley, makikita mo rin dito ang famous Hanging coffins. Try also to view the Sunset at Lake Danum and Sunrise at Marlboro Hills. Blue Soil na parang painting ang dating at Bokong Falls na may napaka-lamig na tubig. Underground river na napakalaki, tahimik at sa gitna ng gubat. Na-amaze din ako sa lumang simbahan at subukan ang pottery making!
Di ko maikakaila, sagad sa ganda ang Sagada! A place with picturesque view and hospitable people, plus rich culture.
#sagada
#travelinspiration
#tripblazers#summervacation
#celebratewithtrip